Home » Post Item » grrrrrrrrrrr..

grrrrrrrrrrr..

November 5, 2005

Naiinis ako di dahil sa kanya kundi dahil sa isang taong walang magawa. Ayokong nakikitang siyang ganyan. Ayokong nado down siya kasi doble yung sakit na nararamdaman ko pag ganun. Mahal na mahal ko siya. Katangahan na marahil para sa iba pero eto ang totoo.
Naiinis ako na wala akong magawa para alisin siya sa sitwasyong kinakalagyan nya ngayon. Wala akong magawa. Di ko siya matulungan kahit gaano ko kagusto na gawin yun. Ngayon isang katotohanan na naman ang natutunan ko tungkol sa pagmamahal. Pag nasasaktan at nahihirapan pala yung taong sobrang mahal na mahal mo, mas masakit ang dating sayo..Dobleng hirap ang pinapasan mo. Parang gusto mong palitan ang mundo para lahat ng bagay aayon sa kanya. Para di na siya muling masasaktan. Di na muling mamomroblema. Bakit ganun?! Ginawa na nya lahat. Lahat ng mga dapat nyang gawin. Pati nga yung di na sakop ng usapan nagawa na nya pero naghahanap pa rin yung isa.
Badtrip talaga mga taong walang iisang salita. Wala na nga maitulong, nakakabigat pa. It takes two to tango which applies sa situation ng mahal ko at niya. So bakit pinapagsolo niya yung mahal ko sa problema? Bakit pilit niyang binabaon.? Sarili lang niya ang mahal niya. Ngayon ko lang napatunayan, WALA TALAGA SIYANG KWENTA AT SANA MAGBAGO NAMAN SIYA!!!!

Posted by dreamy at 6:05 am | permalink

Previous Comments

ang puso ang puso :)

Posted by shugabu at November 8, 2005, 4:17 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment