Home » Archives » December 2005

Back from Vacation

December 2, 2005

hayyyy..kakatamad pala noh..pag nakapagpahinga ka ng matagal parang ayaw mo na bumalik sa mundong nakasanayan mo na (or forcibly dapat sanayin mo yung sarili mo). I just got back from my rest day and a day of leave, ang sarap magpahinga. Nakakapagod din pala. Miss ko na siya. Antagal ko din na di regular na nagsusulat. Siguro kasi masaya ako ng mga nakalipas na araw. Pansin ko kasi pag malungkot ako mas madami ako nasusulat. Malapit na ang pasko. 23 days na lang pasko na. Hayyyy..Wala pa ako regalo sa mga inaanak at mga mahal ko sa buhay.
Maiba ako, minsan pag kasama ko siya, parang gusto ko wag na matapos yung oras. Pinagdadasal ko na sana bumagal yung pagtakbo ng panahon. Siguro kasi alam kong matatagalan nanaman bago kami magkita at magkasama muli. Gusto ko balang araw tuwing gigising ako, mukha niya ang makikita ko. Ipagluluto ko siya ng almusal, tanghalian at hapunan. Wala lang. Feeling housewife. Miss ko na yung asawa ko. Kung kailan at paano kami magkakasama, hindi ko pa alam. Basta ang alam ko lang lahat gagawin ko mangyari lang yun.

*Dady, mahal na mahal kita. Gusto ko tuwing gigising ako ikaw agad yung makikita ko at bago ko ipikit ang mga mata ko ikaw din ang huli kong makikita. Miss na kita!

Posted by dreamy at 8:07 am | permalink | Add comment